Kilig naman! Consistent ang sweetness ni hubby Matteo kay Sarah.

@vivaartistsagency/Instagram

Mukhang ‘di lang ang masugid na fans ni Popstar Royalty Sarah Geronimo ang excited para sa kaarawan niya, pati din ang asawa nito, ang actor/host at Viva artist din na si Matteo Guidicelli!

Basta talaga para kay sa asawa, ready ang aktor. Kasa-kasama ito, supportive, at pinaka-heartfelt sa lahat, si Matteo mismo iniidolo ang asawa.

Kahit saan interviews ito ma-feature, bukambibig ng 31-year old ang kabiyak lalung-lalo na ngayon na na-e-embody nito ang pagiging strong independent woman!

Kaya ngayong week na mag-32 na ang Popstar, saan kaya ang plano ng dalawa?

Sa last year’s birthday celebration kasi ni Sarah, sumama ang dalawa sa pamilya ni Dra. Vicki Belo sa isang quick vacation sa Balesin Island.

@matteog/Instagram
@matteog/Instagram

Sa anniversary naman nila ay isang by the beach trip ang ginawa ng mga ito, ganoon din sa kaarawan noon ni Matteo.

Hindi kaya out-of-the town beach outing ulit ang dalawa?!

Sa ngayon, wala pa talaga nakakaalam. Pero sure na sure na kahit si Matteo excited sa magaganap! Halata ito sa recent Instagram post ng aktor. Binahagi nito ang polaroid photos nila na ginamit sa kanilang recent endorsement.

“It’s almost your biiiiirthdaaaaay! #iloveyou” sulat nito sa post.

@matteog/Instagram

“It’s almost your biiiiirthdaaaaay! #iloveyou” sulat nito sa post.

For more updates about Matteo Guidicelli, Sarah Geronimo, and other Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments