Mukhang kung usapang pamilya, ‘go big or go home’ ang peg ng magasawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo Guidicelli.

@vivaartistsagency/Instagram

Ang dalawa kasi tuloy-tuloy ang pag-buo sa kanilang babies—fur babies!

Chill, AshMatt fans ‘di pa ito ang iniisip niyo!

Matatandaan na noon ay may tatlong aso si Sarah at Matteo. Si 04 na Samoyed originally aso ng aktor, si Dakota na white Dachshund regalo ni Matteo kay Sarah, at ang bunso noon ng pamilya si Jack Theodore isang Korean line standard Poodle.

Heto ang before complete family ng tatlo!

Pero ‘di na ito ang kaso ngayoon dahil a year into their marriage, ang kanilang furry family of four ay may plus three na?

Spotted kasi ng eagle-eyed na Popsters ang birthday decoration ng Popstar sa kaniyang 33rd birthday. Kapansin-pansin ang dekorasyon ay may dagdag na names maliban sa OG dogs ng magasawa—Dolly, Nuka, at Liya!

Kung titignan, unti-unti na nga atang pinakilala ng magasawa ang babies nila sa publiko. Sa latest endorsement nila para sa kilalang cooking oil brand, isinama ng dalawa si Nuka!

@gelalaurel/Instagram

Na-discover naman ng fans sa Instagram ang account ni Liya! Ayon sa Instagram page nito isang uri ng Coton de Tuléar ang aso.

@liyaguidicelli/Instagram

Soon to be revealed pa si Dolly!

Si Matteo na din ang nagsabi na dahil sa asawa at pagmamahal nito sa mga aso nila, mas naging lumalim ang love niya for their pets.

“Me before, pets were just pets. Now because of Sarah and we’re building a family and Sarah’s my wife now I get to spend everyday with her, my appreciation for animals has gone a deeper level,” sabi nito sa isang past interview.

@matteog/Instagram

Iba din talaga ang love ng dalawa ito sa kanilang pets, paano pa sa future babies nila? Nakaka-excite!

For more updates about Matteo Guidicelli, Sarah Geronimo, and other Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments