Kanya-kanyang shows man or personal endevors nilang magasawa ay supportive ang fans nina Matteo at Sarah Guidicelli lalo na pag nababahagi ito ni Matteo sa social media.

Photo from @isggfan/Twitter

At tulad ng ibang couple o mag-asawa, may weekend errands din ang dalawa. At kita ito sa Instagram stories ni Matteo noong Linggo kung nakita ng fans ang grocery list nila.

At mukhang sulat kamay pa ito ng may bahay ni Matteo, si Sarah G!

Halata din sa listahan na thorough ang singer sa kanilang mga kailangan dahil organized ito mula sa isda, gulay, at personal hygiene items nila.

Natuwa naman ang ilan ng makita na bukod sa needs ng dalawa ay kasama din ang neccesities ng kanilang mga kasambahay.

Sa isang Youtube video nga ng kilalang cosmetics doctor na si Dra. Vicki Belo, nabanggit nito na talagang newly wed ang datingan ng dalawa at matipid ang mga ito.

“Alam mo itong dalawang ‘to sobrang newly wed ang dating—tipid! Pag nag-shopping lahat ng presyo tinitignan,” Belo said.

Way to go, Mrs. G!

For more updates about Sarah Geronimo and other Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories about Sarah G

Facebook Comments