Usap-usapan pa ngayon ang ilang buwan nang ‘di pagsama ng live ni Popstar Royalty Sarah Geronimo sa variety Sunday show na ASAP simula nang nagsimula ang taong 2021.

Huli ito nag-perform sa ASAP stage noong 2020 pa at nag-transistion sa green screen virtual performances. Ang huli namang virtual performance ni Sarah G ay ang rendition niya ng “Your Universe” na orihinal na kinanta ni Rico Blanco.

Kaya nang mag-diwang ang Sunday variety show ng ika-26th anniversary nito, ay banggit-banggit pa din ng mga kasama sa show si Sarah G at ang pagka-miss ng mga ito sa kanya.

May parte sa show na sabay-sabay nagsabi ng “We miss you” ang mga hosts nang banggitin siya ni Asia’s Songbird, Regine Velasquez.

At sa pagamin naman ni Janine Gutierrez na siya ay fan ng singer, umingay muli ang “We miss you” sa mga kasama.

Kahit din si Mr. Energy Gary Valenciano ay may mensahe sa singer.

Happy naman ang mga hosts, pati na din ang mga fans ni Sarah G,na kumuha ito ng well-deserved break at ini-enjoy ang newlywed stage nito sa asawang si Matteo G.

For more updates about Sarah Geronimo and other Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories about Sarah G

Facebook Comments