Marami ang curious at na-intriga nang ilabas ng Viva Films ang official poster ng bagong pelikula ni Nadine Lustre na Ulan noong Miyerkoles, February 6.

Makakasama ni Nadine sa pelikula sina AJ Muhlach, Marco Gumabao at Carlo Aquino at nasa direksyon naman ito ni Irene Villamor na siya ring nag direk ng blockbuster movies na Sid & Aya: Not a Love Story at Camp Sawi.

Nag-post din ang direktor tungkol rito. Ayon sa kanya, patungkol sa “sel-love” ang Ulan at bukod rito ay nagpasalamat siya sa mga fans na nag-post at nag-react sa nasabing poster. Humingi rin si Direk Irene ng suporta sa nalalapit nitong showing sa mga sinehan.

View this post on Instagram

#UlanOfficialPoster ‘really appreciate all the reactions to the posters, teaser or official… 😊🙏🏼 thank you guys for engaging. ‘hopin’ and wishin’ and crossing my fingers you all watch the movie come show day. all these photos are part of the universe that is ‘ulan’. i am grateful that as a director/writer, i am given the opportunity to have a creative say in everything since day 1 post of ulanmovie ig. this is my first screenplay, nurtured for more than a decade. and the patience and hardwork of everyone involved – from production, post to promo – took 9 months. i couldn’t be any happier to see this movie come alive and hopefully tug in your hearts. ulan is about self-love. but when do we really learn how to love? isn’t it through every little experience in life? paparating na ang ulan. hayaan nating tayo’y basain ng ligaya at pag-ibig ❤️ PS: oh and yes, this is too harlequiny romance no? (wink wink)

A post shared by Irene Villamor (@ayrin) on

Kanya-kanya ring hula ang mga fans kung ano nga ba ang ibig sabihin ng poster.

Nag trending din ang hashtag na #UlanOfficialPoster sa Twitter nang unang ilabas ito.

Meron pa ba kayong mga theories at hula tungkol sa Ulan poster? Ibahagi niyo ito sa comments!

Abangan ang Ulan sa inyong pinakamalapit na sinehan. Malapit na malapit na!

 

 

RELATED ARTICLES:

  1. QUIZ: Can you remember the title of every Carlo Aquino movie?
  2. QUIZ: Choose some clothes you like and we’ll tell you which Viva female celeb you are!.

Facebook Comments