Kabog ang roster ng mga artistang managed ng Viva Artists Agency, mostly kasi sa mga ito ay celebrated artistas ng bansa ngayon!

Kaya isang malaking karangalan na ang prestige award-giving body, ang Philippine Movie Press Club (PMPC) ay muling kinilala ang top artists ng VAA! Hakot nomination ang talent agency—through its stars—para sa 34th PMPC Star Awards For Television!

Sa katunayan, halos magkaka-kumpitensya pa ang mga ito sa awards!

Sa kategoryang “Best Single Performance By An Actress” nominado si Alessandra de Rossi sa kaniyang “Sisters At War” episode sa show na “Tadhana” ng GMA 7. Nakasama niya sa episode ang real-life sister niya na si Assunta de Rossi.

Sisters at War: Part 1 (2019)
IMDB/Website

Nominado din sa parehas na kategorya si Julia Barretto para sa kaniyang episode na “Colored Pens” sa “Maalala Mo Kaya” ng ABS-CBN.

Maalala Mo Kaya/YouTube

SEE MORE: Sarah Geronimo, Janno Gibs, Matteo Guidicelli, Kim Molina, at iba pang Viva Artists Hakot Nominations Sa PMPC Star Awards!

Ang longtime, top-billed artists ng VAA na sina Anne Curtis at Sarah Geronimo ay nominated sa award na “Best Female TV Show Host” sa kani-kanilang respective shows sa ABS-CBN.

Si Anne para sa noontime show na “It’s Showtime” at si Sarah para sa Sunday variety show na “ASAP”.

Anne Curtis, naging emosyonal habang pinaguusapan ang kanyang pregnancy sa “It's Showtime” | VIVA Entertainment

At ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo sa kaniyang pagiging host sa “ASAP”.

@sarahgeronimishots/Instagram

Nominated sa PMPC ang Unkabogable star na si Vice Ganda sa “Best Male TV Host,” “Best Celebrity Talkshow,” at “Best Celebrity Talkshow Host,” awards.

Instagram/@praybeytbenjamin

Wala pang confirmed date kung kailan ang virtual awarding ceremony. Para sa full list of nominees, follow this link.

For more updates about your favorite Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments