Kung merong celeb na naabunan ng swerte, ang Viva artist na si Anne Curtis na siguro iyon.

@annecurtissmith/Instagram

Nagkaroon kasi ito ng pagkakataon na makilala face to face ang ilan sa sikat na South Korea drama at Kpop idols! Lahat iyon nagsimula ng mahulog si Anne sa rabbit hole ng Kdrama at Kpop.

Nagkaroon pa nga ito ng Goblin’s bride era kung saan nag-dressup ito at pumunta sa Quebec, Canada in person! Anne-saveeeh! Better, balikan natin ang ilan sa kaniyang dream come true moments below!

EXO’s Sehun

Back in 2019, sa isang Louis Vitton event, nakadaupang palad ni Anne si Sehun ng EXO na kaniya palang bias sa grupo! In fact, nanood si Anne ng EXO concert noong 2018.

@annecurtissmith/Instagram

Black Pink

Speechless naman si Anne noon ng na-meet niya ang Kpop girl group sa backstage sa Pilipinas noong 2019.

@annecurtissmith/Instagram

Nam Joo Hyuk

Pati ang leading man ng “Weightlifting Fairy Kim Bok Jo” ay na-meet na din nito! Ayon nga sa Instagram post ni Anne, kilig na kilig siya on the inside!

@annecurtissmith/Instagram

Park Bo Gum

Host naman si Anne sa isang fan meet-and-greet ni “Encounter” star Park Bo-Gum sa bansa kaya na-meet niya ito! Napa-confess nga si Anne na isa ‘to uber favorite hosting event niya maliban sa “It’s Showtime”.

@annecurtissmith/Instagram

Gong Yoo

Wala na ata makahihigit sa fan moment na ‘to para kay Anne. The man who started it all for her si Gong Yoo ng Goblin! Sa same fashion show doon niya din ito na-meet!

@annecurtissmith/Instagram

ANNE-swerte indeed!

For more updates about your favorite Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments