Kahit sino kilala ang Viva prime artist na si Anne Curtis! Hindi lang dahil sa tagal nito, kundi sa ganda nitong pang-Dyosa.

@annecurtissmith/Instagram

Isa si Anne sa mga kilalang artista ngayon na nagsimula muna bilang child stars. Bago naman kasi naging mala-Dyosa ang tingin dito, si Anne ay cutie na bata palang.

@annecurtissmith/Instagram

Better yet, balikan natin ang mga eksenang nagpamalas ng kaniyang cutie at ganda phase. Check it out below!

Bilang isang child star, nakilala si Anne sa kaniyang nakakatuwang akting sa pelikulang ‘to!

Astig na teenager Anne naman ang mapapanood sa eksanang ‘to kung saan bumida siya kasama si Rufa Mae Quinto at Bong Revilla.

Subok na din si Anne talaga sa mga horror films! Heto siya bilang anak ng isang nakakatakot na entity!

Sa kaniyang pag-mature naging ganap na ganap na din ang mga pelikula ni Anne! Heto siya bilang ‘legal wife’ ni Derek Ramsay at babangga kay Andi Eigenmann!

Kung sa loveteam naman, sumikat ang tambalan nila ni Luis Manzano.

Nilabas naman nito ang 100% nitong ganda at ka-seksihan ng bumida sa pelikulang ‘to kasama si Cristine Reyes!

Kasama naman si Paulo Balesteros at Dennis Trillo, inalam ni Anne kung sino ang tunay na katotohanan!

Sa kasalukuyan, happily married kay content creator Erwan Heussaff and with a cutie 1-year old child si Anne named Dahlia. Aktibo pa din ito sa showbiz at 36-years-old at rumored to make a comeback sa isang horror serye directed by Erik Matti!

@annecurtissmith/Instagram

Nakakamiss ba mapanood ang mga pelikula ng nagiisang Anne Curtis? Subscribe na sa Vivamax para mapanood si Anne at iba-iba pang Viva content!

For more updates about your favorite Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments