Hindi matawaran ang dedikasyon ng actress/vlogger na si Andi Eigenmann sa kaniyang pamilya.

@andieigengirl/Instagram

Binago kasi nito for the better ang kaniyang buhay! Mula sa panganay na anak, sa paglipat sa Siargao, at pagbuo ng pamilya kasama ang surfer/athelete fiance niyang si Philmar Alipayo.

‘Di matawaran ang love ng aktres para sa tatlong anak na si Ellie Ejercito, Lilo Alipayo, at Koa Alipayo.

@liloislandgirl/Instagram

Kaya unconventional man ang kanilang pamilya, masaya siya na sa parteng ito smooth sailing naman. In fact, sobrang close ni Ellie sa kapatid nitong si Lilo!

Na-share nga ni Andi noon na sa kapanganakan ng aktres sa pangalawang anak, hinayaan niya si Ellie na kumuha ng laruan na regalo ni Lilo para sa kaniya.

Pero sa sorpresa ni Andi, bumalik si Ellie at Philmar na walang dala. Dahil para kay Ellie ang kapatid ang regalo na iyon! Awww.

“It turns out, the gift for her or the reward for her was to have a baby sister and to be there and experience her birth and first few days with us in the hospital.” explain ni Andi.

@andieigengirl/Instagram

Blessed si Andi sa tight knit bond ng dalawa sa kaniyang latest Instagram post.

“I am always so proud of the strong bond these two have. I hope they know how special (and rare) it is to have someone, to have each other no matter what. I only wish for you to cherish this and bring it with you wherever life takes you guys. Sisters ♥️” sulat ni Andi.

@andieigengirl/Instagram

Unconventional man ang setup ng kanilang pamilya. Mananatili si Andi na mahalin ito.

“Our family may not be ideal to some, but others’ perception is not our reality. I love my family, and I love our life. We are aware that it is not ordinary— because it’s extraordinary.”

For more updates about Andi Eigenmann and other artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories about Andi:

Facebook Comments