Hindi na mabilang kung ilang beses namangha ang aktres/vlogger na si Andi Eigenmann ‘di lang sa kagandahan ng kanilang maliit na isla sa Siargao kundi pati ang mga tao dito.

@andieigengirl/Instagram

Na-appreciate niya ang mga bagay na nasa paligid nila sa isla. Kung gaano ka-simple ang buhay ng mga ito, ang appreciation ng mga tao doon sa mga bagay na nasa isla, at ang kasiyahan nito sa mga bagay na kung sa perspective ng mga taga-Maynila ay maliliit na bagay lamang.

Inspirasyon ni Andi ang mga tao sa isla sa mga pagbabagong nararanasan at binabahagi niya sa lalo na social media.

@andieigengirl/Instagram

Patunay na ganito ang tingin ni Andi sa recent na na-share nito sa Instagram. Ni-reshare kasi nito ang Instagram Story ng fiance na si Philmar Alipayo.

Spotted kasi ang mga lokal na kabataan sa isla na namumulot ng basura sa paligid!

@andieigengirl/Instagram

Sa clip below kita in action ang mga kabataan!

Dahil parte na din siya ng isla, mabigat ang nararamdamang responsibilidad ni Andi bilang “local migrant” sa isla. Ilang beses na nito na-share sa social media ang kahalagan ng pag-respeto sa mga lokal na nakatira doon lalo na kung tourist naman.

“So I only hope that all of those who pay a visit, or who have chosen to move to the island just like I did, would also be mindful of not only taking care of their beloved paradise but also show constant kindness and respect to them as well.” nasabi nito noon sa isang Instagram post.

@andieigengirl/Instagram

For more updates about Andi Eigenmann and other artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories about Andi:

Facebook Comments