Masayang tinanggap ng aktres ang ‘proposal’ na ‘to!

@andieigengirl/Instagram

Unti-unti nang lumuluwag ang quarantine restrictions sa iba’t-ibang panig ng bansa. Kung tuloy-tuloy ito, baka i-take as sign na ito ni Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, na simulan ang kanilang wedding preparations!

With three kids, hindi na nagmamadali si Andi at Philmar to get married. Ayon pa nga sa dalawa, kaya pa nilang hintayin hanggang wala nang pandemic para gawin ang kasal nila.

Pero wala pang kasalan, naunahan na agad si Philmar!

Dahil ang panganay ni Andi na si Ellie napa-‘I do’ na ang nanay! Mapapanood ang heartfelt eksena na ‘to sa recent vlog ng pamilya.

@andieigengirl/Instagram

“Before the day ended, Ellie managed to give me her birthday present.” sabi ni Andi.

Wish pa nga ni Andi na sana bigyan din siya ng anak ng birthday card, bagay na ginagawa niya para kay Ellie.

Ang regalo ni Ellie? Isang DIY couple ring na ang 9-year old mismo ang gumawa!

“I do!” walang hesitation na sagot ni Andi.

“I do accept being your mom” dagdag nito.

@ellieislandgirl/Instagram

Ilang beses na pinahayag ni Andi ang gratefulness sa panganay. Sa isang recent post nito, pinasalamatan niya ang anak sa kagustuhan din nitong tumira sa Siargao.

“Thank you Elle. Thank you for wanting the same for the two of us. Thank you for living this dream with me.”

For more updates about Andi Eigenmann and other artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories about Andi:

Facebook Comments