Siguradong hindi fully makikita in action ng lahat si Andi at ang mga anak nito kundi dahil sa vlogging!

@andieigengirl/Instagram

Uso na ang vlogging ngayon sa mga celebrities. Lalo na at unti-unti palang bumabawi ang entertainment industry sa epekto ng pandemya. Ang ilan ginawa itong outlet para ipakita ang kanilang buhay at kumita din on the side.

Kaya isang sorpresa talaga na ang aktres na si Andi Eigenmann ay vlogger na din ngayon! Sa katunayan, ‘di na sana ito i-pakita ang buhay sa camera lalo na noong nag-desisyon itong lumisan ng showbiz at tahimik na manirahan sa isang isla sa Siargao.

@andieigengirl/Instagram

Dahil ang pagkakaroon ng Happy Islanders ay ideya pala talaga ng fiance nito! Si surfer/athlete Philmar Alipayo!

Sa isang past Instagram post, pinaliwanag ni Andi kung paano nag-simula ang kanilang family vlogs.

“We posted our first vlog last January of 2020, because @chepoxz thought it would be fun to share snippets of our island life to everyone.” paliwanag ni Andi sa lengthy post niya nang maka-reach ang pamilya ng 2 million subscribers.

“We kept going because we figured it would be a great way to influence others to care more for our environment too. To show how living simply can bring so much joy. How true happiness doesnt have to come from extravagant things, and show that little acts of kindness could definitely go a long way!” dagdag nito.

@liloislandgirl/Instagram

Ang vlog ng pamilya ang ilan lang sa mga good influences ni Philmar sa kanilang pamilya. Ilang beses na din nasabi ng aktres na marami siyang natutunan sa fiance.

Bago ang kanilang Happy Island vlogs,  mayroon nang tatlong videos si Andi sa kaniyang YouTube, lahat iyon ay cooking videos kasama si Ellie.

Ayon kay Andi happy siya sa ganitong setup ng kanilang vlogs dahil kontrolado nila kung ano ang ibabahagi sa publiko at ano ang hindi.

For more updates about Andi Eigenmann and other artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories about Andi:

Facebook Comments