Kung titignan ang buhay na meron ang Viva artists at couple na sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, tulad ng kanilang YouTube name, Happy Islanders talaga!

@andieigengirl/Instagram

Ang maliit na isla sa Siargao ay lahat lahat na para sa pamilya. Hindi tulad ng marayang buhay na naranasan ni Andi noon, simple buhay ang meron ito ngayon kasama ang tatlong anak at ang surfer/athlete fiance na si Philmar Alipayo.

Pero base na din sa kwento ni Andi, hindi naging madali ang relasyon na meron sila ng soon to be husband ngayon.

@chepoxz/Instagram

Kung titignan ang sitwasyon ni Andi mala-teleserye ito. Ang aktres ang bida at ang kontrabida ay ang taong ‘di sila kilala aka netizens.

Na-share nito ni Andi sa isang past interview noon.

“As soon as I posted it on social media, it was inevitable for us to get negative criticism, because ‘we’re not bagay,’ or because ‘I’m maganda’ and ‘I come from a high profile family’ and he was ‘just a person from the island.’” banggit ng aktres.

@chepoxz/Instagram

Pero never ito naging issue kay Andi. Sa katunayan ang buhay na meron si Philmar ang gusto niya!

“All that matters to me is that he has ambition and he has dreams and we can work on that together. Now we have a beautiful family…”

@chepoxz/Instagram

“But I always tell him, ‘You’re not just a person from the island, you’re the richest person I know, because the right man for you should not be measured by how secure his future is or what he can give me because I can give that to myself.” banggit din ng aktres.

@koaislandboy/Instagram

Ilang beses na din nabanggit ni Andi na isa si Philmar sa mga taong tinulungan siya not just as parent but also as a person.

At the end of the day walang makakapigil sa love ni Andi at Philmar!

For more updates about Andi and other Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories about Andi:

Facebook Comments