Masayang-masaya pa si Andi sa nangyari!

@chepoxz/Instagram

After almost a week of absence sa social media, masayang nagbabalik sina Andi Eigenmann at ang kanilang pamilya aka Happy Islanders sa social media, matapos sila magkaroon ng stomach flu.

All is well na talaga dahil na-share na din ng mga ito ang mga ganap sa 31st birthday ni Andi na unang kaarawan din niya (ever!) sa Siargao.

Sa vlog, mukhang lalo napamahal si Andi sa isla at mga locals nito dahil sa sweetest gesture na ginawa para sa kaniya!

Hinarana kasi siya ng ilang mga nakakatandang babae sa isla ng kanta ng madaling araw! Ayon kay Philmar ito ang mañanita na common na ginagawa sa isla.

“We’re going to sing my mahal a happy birthday!” masayang sabi ng kilalang surfer.

May be an image of 2 people, icecream, gelato and text that says 'f ouse VANS VANS A'
@chepoxz/Instagram

Kinantahan si Andi ng ilang kababaihan sa isla. Masaya naman nitong hinarap ang lahat kahit madaling araw palang!

Soon, mukhang makiki-join na din si Andi sa mga kababaihan na ‘to dahil may alam na siyang mga kanta!

Sa vlog naghanda din ang aktres ng tulad ng kaniyang Pork Sinigang na may twist. Na-share din nito ang birthday spaghetti recipe ng inang si Jaclyn Jose!

“This is my Mom, Ms. Jaclyn Jose’s, birthday spaghetti. Na ginagawa niya ‘yun every year on my birthday so it became a tradition na everytime it’s my birthday, I have to have that.” paliwanag ni Andi.

Panoorin ang full of activities vlog na ‘to ng pamilya below!

For more updates about Andi Eigenmann and other artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories about Andi:

Facebook Comments