Monumental moment sa kahit sino lalo na sa mga babae ang pagpapakasal. Para sa couples it marks a brand new chapter in their life as husband and wife, and as one.

Kaya sa mga ganitong changes acceptable talaga na ang iba nag-ba-backout sa big celebrations. And it’s totally okay—kahit celebrities nga eh!

Here are a handful of sikat at kilalang mga pangalan sa bansa na mas ginustong magpakasal quietly.

Jinri Park

Very intimate ang naging wedding sa Australia ni Jinri at ang kaniyang asawang si John noong March 2020. Happily settled down na din ito sa Australia.

Dione Monsanto

Naging usap-usapan ang bride na si Dione noon dahil sa kaniyang nakakalokang choice of wedding dress top—P300! Ang bottom part naman ng kaniyang suot ay hand-me-down from her sister.

Rachel Peters

Civil wedding din ang naging way ni Rachel at longtime boyfriend Camarines Sur Governor Migz Villafuerte. Pregnant na din ang beauty queen ng nagpakasal sila.

Megan Young

Intimate at private din ang wedding ng celeb couple na si Megan at Mikael Daez! Tagged as modest din ang kanilang celebration lalo na noong panahong in na in ang engrandeng kasalan.

Sarah Lahbati

In the time of pandemic naman nangyari ang kasalang Sarah at Richard Gutierrez. Very wise at responsible ang dalawa to do such!

Yam Concepcion

Out of the country naman ang wedding ni Yam at ng longtime boyfriend na si Miguel Cuunjieng.

Alex Gonzaga

Dahil din sa pandemic, piniling ituloy nina Alex at Mikee Morada ang union sa mismong kanilang tahanan!

Sarah Geronimo

Very mysterious pa din hanggang ngayon ang wedding ni Matteo at Sarah G. Ayon kay Matteo, very intimate ang kasal. Hanggang ngayon nga ay wala pa din nakakita ng wedding dress ni Sarah G!

Angel Locsin

Ang newest celebrity nga na nadagdag sa lowkey wedding list ay ang kay Angel Locsin! Civil wedding din ang union nila ni Neil Arce. Para sa kaniyang wedding ‘gown’ very casual lang with a suit, pants, and sneakers si Angel!

Anong wedding ang bet mo? Grand o subtle lang?

For more updates about Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments