Patok na patok sa mga manunuod ang Kapamilya teleseryeng Halik na pinagbibidahan nina Yam Concepcion, Jericho Rosales, Sam Milby, at Yen Santos.

Sa nalalapit nitong pagtatapos, pa-intense na rin nang pa-intense ang kanilang scenes kaya naman todo abang na ang mga fans ng Halik.

Sa isang interview ng PEP kay Yen, ibinahagi ng aktres na hindi pa umano nagpade-desisyunan kung ano ang magiging ending ng top-rating na teleserye.

Bilang karibal ng karakter niya na si Jacky ang karakter ni Yam na si Jade, natanong rin ang aktres kung ano ang pinaka hindi niya makakalimutang scene nilang dalawa.

“Siguro yung binuhusan ko siya ng tubig. Kasi yung lines namin doon, wala sa script. Impromptu namin. Nag-iisip kami ng tatatak sa tao,” sagot ni Yen.

YouTube/ABS-CBN Entertainment

Panoorin ang intense na scene na iyon dito:

Abangan ang Halik gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

 

 

 

 

Check out other Yam Concepcion updates here:

  1. Yam Concepcion joins in on the ‘Dalagang Pilipina’ trend but with a twist!
  2. Yam Concepcion gets teary-eyed after receiving another Best Actress Award!
  3. LOOK: Yam Concepcion, director na rin?

Facebook Comments