Eh kaya naman pala!

Hustle kung hustle ngayon si Viva artist Yassi Pressman. Sa gitna kasi ng committed projects nito sa mother agency, may iba’t-ibang endorsements pa ‘to, at may sariling mga negosyo din!

Idagdag pa na siya ay personality din sa social media so updated siya sa lahat ng kaniyang platforms.

Kahit nga nasa Los Angeles ito temporarily for rest and relaxation, naisisingit pa nito ang pag-promote sa kanilang business.

At recently, revealed na ang dahilan ng grind na ‘to Yassi!

Sa recent Instagram post nito, may mala-mansyon pala si Yassi na ipinapatayo! Obvious yun sa high ceilings at malaking espasyo ng lugar.

“Trust the process.” sulat ng aktres sa caption.

Siguradong ang tahanan na ‘to ay katas din ng kaniyang limang taon pagiging parte ng “Ang Probinsyano” kasama si Coco Martin.

SEE MORE: Presence Ni Yassi Pressman, Ramdam Pa Din Sa Show Na ‘To!

Bukod sa ‘bahay reveal’ na ‘to wala nang iba pang info na inilabas si Yassi. Pero sigurado na mapupunta dito ang kaniyang hardwork. Kaya patuloy natin siyang suportahan!

Si Yassi ang host ng newest gameshow sa TV 5 ang “Rolling In It Philippines”

For more updates about Yassi Pressman and other artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories about Yassi Pressman:

Facebook Comments