Sunod-sunod ang projects ni Xian Lim mula nang lumipat siya ng management noong nakaraang taon. Dalawang upcoming movies na ang nasa line-up ni Xian habang showing pa sa mga sinehan ang pelikula niyang, Hanggang Kailan?

Kahapon, February 7, naganap ang story conference ng isang pelikula ni Xian na may working title na Untrue. Makakasama niya rito si Cristine Reyes at gagawin ito sa direksyon ni Sigrid Andrea Bernardo; and direktor ng blockbuster hit na Kita Kita, pati na ng Ang Huling Chacha ni Anita, at Mr. and Mrs. Cruz.

 

Nauna na ring naganap ang look test para sa pelikula. Grungy, punk, at street ang tema ng kanilang looks rito.

(c) Instagram/@xianlimm

View this post on Instagram

#untrue

A post shared by twitter @cristinereyesss (@cristinereyes) on

View this post on Instagram

#untrue

A post shared by twitter @cristinereyesss (@cristinereyes) on

Nabanggit rin sa story conference na ishu-shoot ang ilang bahagi ng pelikula sa Georgia.

Excited na ba kayo? Ibahagi ang inyong sagot sa comments!

Samantala, showing pa rin ang Hanggang Kailan sa mga sinehan. Kasama ni Xian sa pelikulang ito si Louise delos Reyes.

 

 

RELATED ARTICLES:

  1. WATCH: Cristine Reyes sizzles in this sultry photo shoot!
  2. MUST-WATCH: Xian Lim and Cristine Reyes go for a gothic look in upcoming movie!
  3. Xian Lim at Cristine Reyes, pinakita ang kanilang sweetness para sa upcoming movie!

 

Facebook Comments