Excited na ang KimXi love team sa bagong proyekto nila sa Kapamilya network, ang teleseryeng Love Thy Woman. Ito ay gagawin sa direksyon ni Jeffrey Jeturian.

Instagram/@dreamscapeph

Ang huling teleseryeng ginampanan ng reel and real life couple na Xian Lim at Kim Chiu ay ang The Story of Us sa ilalim ng Star Creatives noong 2016.

Kasama rin nila sa cast sina Erich Gonzales, Christopher de Leon, Ruffa Gutierrez, Sunshine Cruz, at marami pang iba.

Instagram/@dreamscapeph

Masayang-masaya si Xian sa kanilang bagong proyekto. Ani niya, “I’m very happy to be back and nakakatuwa lang na we’re back in Dreamscape. Parang ang last Dreamscape project namin is Ina, Kapatid Anak pa na ang tagal na.”

Ayon pa kay Xian, ang proyektong ito ay para sa kanilang fans na walang sawang sumusuporta sa kanilang tambalan ni Kim.

Instagram/@dreamscapeph

Magsisimula ang taping para sa Love Thy Woman ngayong May.

Abangan ang iba pang updates!

 

 

 

Check out other Xian Lim updates here:

  1. LOOK: Xian Lim surpises Kim Chiu after taping in Georgia for 3 weeks
  2. LOOK: Xian Lim and Cristine Reyes’ BTS photos from filming their movie ‘Untrue’ in Georgia
  3. Xian Lim at Alex Gonzaga, na-intimidate nga ba sa isa’t isa?

Facebook Comments