Maraming luhang tumulo sa Filipino remake ng Korean movie tearjerker na Miracle in Cell No. 7. Kaya naman hindi nakapagtataka na ito ay naging isang hit sa mga sinehan ngayong 45th Metro Manila Film Festival.

Naging malapit sa puso ng mga manonood ang Filipino version ng nasabing pelikula dahil bukod sa mga Pinoy values na nakapaloob sa kwento, nakabibilib din ang mapusong pagtatanghal ng cast.

Sa isang pelikulang nakapagdadala ng mga emosyong magpapaniwala sa ‘tin sa tunay na pagmamahal, hindi maikakaila na kasing magical ng pelikula ang Official Soundtrack nito na pinamagatang ‘Tag-araw.’

Mula sa alternative-rock original ng bandang AfterImage, binigyan ito ng mellow acoustic version na sakto sa malaanghel na boses nina OST Princess Janine Teñoso at child star Xia Vigor. Tamang-tama naman ang version ng kantang ito sa feels ng pelikula. Dala ng awitin ang bittersweet na karanasan ng paghihintay sa init ng yakap ng pinakamamahal.

Noong nakaraang MMFF Gabi ng Parangal na ginanap sa The New Frontier Theater sa Quezon City, nagkaroon ng special number ang singer at ang actress sa kalagitnaan ng programa. Isang mahiwagang duet ng pinagsamang tinig nina Janine at Xia ang bumati sa audience ng nasabing Award’s Night.

Panoorin ang nakaka-good vibes na performance dito:

Ang mala-anghel na boses ni Yesha (Xia Vigor) at Janine Teñoso!

Ang mala-anghel na boses ni Yesha (Xia Vigor) at Janine Teñoso! Napaiyak ka rin ba ng kantang 'to sa #MiracleInCellNo7 ? #MMFF2019 #TagAraw

Posted by VivaEntertainment.ph on Sunday, December 29, 2019

Facebook Comments