Isa si Millennial Dance Princess, Ella Cruz, sa mga child actors at actresses noon na full bloom at successful actors and actresses ngayon. Hindi lang dahil sa sipag at bibo ni Ella kaya siya nakilala sa showbizness kundi dahil na ‘din (kung hindi niyo naalala) siya ang gumanap sa ilang iconic characters na ito:

Tin-Tin sa Supertwins

Si Ella ang isa sa kambal na gumanap bilang iconic superhero na pinagbidahan nina Jennylyn Mercado, Nadine Samonte, Nicole Dulalia (na siyang gumanap bilang Sha-Sha)  at Dennis Trillo.

Young Sabina sa Majika

Noong 2006, ang pagganap bilang batang Sabina sa drama-fantasy series na “Majika” ang naging simula ng career para kay Ella. Pinagbidahan ni Angel Locsin ang teleserye.

Young MariMar sa MariMar

At isa sa highlight ng career ni Ella as a childstar ay ang pagganap bilang batang MariMar. Na-ibahagi niya muli ang fun fact na ito sa pagsagot ng “True or False” sa Instagram.

For more updates about Ella Cruz follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments