Pinag-uusapan at talaga namang trending gabi-gabi ang hit primetime series na “Halik.”

Pinagbibidahan ito nina Yam Concepcion, Jericho Rosales, Sam Milby at ni Yen Santos,

View this post on Instagram

We’re a band! 🤟🏽 #AEGIS20bleDekada #Halik

A post shared by Yam Concepcion (@yamconcepcion) on

Isa sa mga pinaka nag-trending na episodes ng “Halik” ay ang episode noong November 9 kung saan nagsalpukan ang bawat panig.

Inabangan din ang ikalawang yugto ng eskandalosong party na naganap.

Doon, makikitang iniwan ni Ace (Sam) ang lasing na lasing na si Jade (Yam) sa daan. Napadaan naman dito si Lino (Jericho) na noong una ay sinubukang ‘wag nang pansinin ang nakita.

Ngunit hindi ito nakatiis at tinulungan niya pa rin ang kanyang asawa. Kahit gaano pa kasakit ang ginawa ni Jade sa kanya, makikitang mahal na mahal pa rin niya ito.

Panoorin:

Facebook Comments