Bumalot na naman ang kalungkutan sa mundo ng showbiz. Dahil sa pagpanaw ng primyadong celebrity photographer na si Raymund Isaac.

Kilala ang pangalan ni Raymund sa showbiz industry para sa kaniyang skills sa photography. Na-labeled pa nga itong “Philippines First Celebrity Photographer”.

Sa kaniyang mahabang karera sa showbiz at base na din sa kaniyang makulay na Instagram page, ilang celebs na ang nagdaan sa lente nito. Lalong-lalo ang mga Viva Stars. Alamin sino-sino sila below:

Sarah Lahbati

Nagkaroon din ng pagkakataon na maka-trabaho ni Raymund si Sarah Lahbat!

@raymundisaac/Instagram

Kylie Verzosa

Ang tatak Miss International beauty ni Kylie ay sumabak na din sa lente ni Raymund

@raymundisaac/Instagram

Billy Crawford and Coleen Garcia

Spotted sa Instagram account din ni Raymund ang mag-asawang Billy at Coleen aka BiCol.

@raymundisaac/Instagram

Yassi Pressman

Ang aktor na si Coco Martin at ang aktres ang ilan sa mga celebs na matagal nang nakakatrabaho ni Raymund.

@yassipressman/Instagram

Matteo Guidicelli

Sa kaniyang pakikiramay, na-share ni Matteo na si Raymund ang unang photographer na kumaha ng kaniyang litrato sa kaniyang pagsisimula sa showbiz. Isa din ang photorapher sa mga unang taong sumuporta sa kanilang relasyon ni Sarah G.

@matteog/Instagram

Bela Padilla

Fun moments during photoshoots ang naalala ni Bela kasama si Raymund.

“The fun shots that we both knew wouldn’t make the campaign/posters were always the best…” sulat ni Bela sa kaniyang Instagram Stories bilang tribute para sa photographer.

@bela/Instagram

Xian Lim

Kahit si Xian Lim ay bumida na din sa lente ni Raymund. Maituturing na kasama ang aktor sa mga sikat na celebs na nakuhanan ng celeb photographer months bago ito pumanaw.

@raymundisaac/Instagram

Sarah Geronimo

Isa siguro sa favorite muse ng photographer ay ang nagiisang Popstar Royalty, Sarah Geronimo. Hindi nga napigilan ni Sarah ang ‘di i-share ang pakikiramay via Instagram Stories recently.

“Maraming salamat Sir Raymond for all the fun memories we shared together. Thank you for your kindness and generosity. For all your words of encouragement and support. We will miss you. We love you. Until we meet again.”

@raymundisaac/Instagram

Base sa series of Facebook posts, noong Hulyo pa nasugod ang primyadong celeb photographer overseas. Ayon sa update ng kaniyang partner na si Jayson Vicente, dahil sa pa-iba-iba ng kaniyang kondisyon, na-intubate at sedate si Raymund.

For more updates about Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories

Facebook Comments