Sa Viva executives na nanggaling yan!

@annecurtissmith/Instagram

Makakahinga na ng maluwag ang fans nina Multimedia Superstar Anne Curtis at Popsters ni Asia’s Popstar Royalty Sarah Geronimo sa balitang ang dalawang prime stars ng Viva Entertainment ay mapapanood muli soon!

@annecurtissmith/Instagram
@gelalaurel/Instagram

Halos 2 years ding nabakante ang dalawa sa kanilang mga proyekto sa media giant. Dahil na din sa mga monumental life changes sa kani-kanilang buhay at syempre sa risk ng CoVid-19.

Kumpirmado ito sa sa sagot ng Viva executives, specifically ni Viva President and COO Vincent Del Rosario sa recent online media conference para sa Vivamax.

Jollibee/Facebook

Ayon dito, naghahanap nalang sila ng tamang materyales (at pagkakataon) para kay Anne at Sarah!

Para sa Popstar, sila ay nag-pi-pitch pa ng magagandang movie ideas. At kung makapili ito soon, mangyayari ang shooting as early first quarter ng 2022!

@gelalaurel/Instagram

Masayang ibinalita din ni Boss Vincent na si Anne ay magbabalik horror! Hindi lang one time big time film kundi series na sa direksyon ni Erik Matti.

Si Mattia ng direktor ng hit 2018 action film ni Anne na “Buybust.”

“Syempre natagalan ‘to dahil si Anne is having a baby iwas muna na lumabas-labas. But she’s promised that she will get this on January or February.” paliwanag ng Viva President and CEO.

@buybustmovie/Instagram

Sa katunayan pati concert babalikan ni Anne!

“May inaayos pa ang aming live division. We’re looking forward to doing end of year concert with Anne—concert documentary”

@annecurtissmith/Instagram

Assured naman ng Viva na patuloy na mapapanood ang mga pelikula ni Anne at Sarah sa Vivamax!

Kaya fans, patience lang! At subscribe na din sa Vivamax, P149/monthly lang!

For more updates about your favorite Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments