Umamin si Vice Ganda na never na siya nagdala ng cash sa kanyang wallet at puro credit card nalang ang ginagamit sa pagbayad.

Na-ishare ito ng Unkabogable Boxoffice Superstar sa kanyang latest vlog kung saan ni-raid niya ang wallet ng mga kasamang hosts sa noontime show kung saan siya ay bahagi.

Pinabilang niya din sa mga kasamahan kung magkano ang dalang pera ng mga ito. Pati na ang ilang bagay sa kanilang personal na pitaka.

Na-amaze si Vice sa stylish na wallet ni Teddy Corpuz, bumilib naman siya sa halaga ng nasa wallet ni Jugs Jugueta na nagkakalahalagang P18, 230! Natuwa naman siya sa pink na tiny wallet ni Kim Chui na may P10, 920 sa loob. At nabilib sa routine ni Vhong Navarro na lagi may saktong P10,000 sa wallet.

Biro pa ni Vhong na since ‘di nga nag-kacash si Vice ay ang staff nalang nito nagbabayad pag kumakain ito sa labas.

Kay Jhong Hilario naman ay nagulat pa si Vice ng makita dala pa nito ang kanyang station ID. At laking gulat niya sa laman ng wallet ni Ryan Bang na P14, 180.

Panuorin ang quick kakulitan ni Vice here:

For more updates about Vice Ganda and other Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

 

Facebook Comments