Binigyan ni Unkabogable Star Vice Ganda ng maagang Christmas gift ang isang fan sa pamamagitan ng pagtulong nito sa heart surgery ng isang batang lalake.

Instagram /praybeytbenjamin

Ayon sa fan na may Twitter username na @sndrmyjvrr, isang batang nagngangalang Sebastian Theone ang na-diagnose with an atrial septal defect na nagresulta sa pagkakaroon nito ng butas sa puso na kasing laki umano ng one peso coin.

Upang makalikom ng pera para sa na pantustos sa ospital, nagbenta sila ng mga shirts simula pa noong Hunyo para sa nakatakdang operasyon ng bata sa susunod na taon.

Kahit na gumawa na sila ng efforts para makalikom ng funs, hindi parin sapat ito kaya naman nag-reach out ang fan kay Vice Ganda on Twitter.

Nagtweet ang fan na “Can you help our baby,” na nireplayan naman ni Vice ng “I can. Wait for my staff to coordinate with u.”

 

Sa isang separate tweet, sinabi ni Vice na “My road manager @janbariuad will DM you. God bless your baby.”

Tinawag na ‘blessing’ ng fan si Vice dahil sa kanyang mabuting puso.

Taos puso ang pasasalamat ng fan sa naging suporta ng It’s Showtime host. Nag-reply ito ng”Thankyou so much po! My heart, my tears are falling. Happiness. TYSM, Vice!”

Sa isang hiwalay na tweet, nagpahayag muli ng pasasalamat ang fan at tinawag na maagang pamasko ang pagtulong ni ‘M&M: The Mall, The Merrier’ star Vice Ganda!

Nag-tweet ang fan ng “Lord, Thank you po sa early christmas gift. Wala na po akong mahihiling pa. Good health na lang po para sa lahat. Tawag na lang ang hinihintay.”

Napakabait at napaka matulungin talaga ni Meme Vice Ganda! Ibang klase talaga ang saya na hatid niya lalo na tuwing Pasko!

Instagram / vicegandaofficialph

Ngayong darating na 45th Metro Manila Film Festival, inihahandog ni Unkabogable Star Vice Ganda and Multimedia Superstar Anne Curtis ang kanilang entry na ‘M&M: The Mall, The Merrier’ na tiyak magpapangiti sa buong pamilya at magpapasaya ng inyong Pasko!

‘M&M: The Mall, The Merrier’ opens on December 25 in cinemas nationwide!

Facebook Comments