Dahil sa new normal na dinulot ng pandemya, iba-ibang paraan ang ginawa ng mga top entertainers ng bansa para maituloy ang sining ng pagpapasaya.

@bjpascual/Instagram

Isa sa advocate ng patuloy na pag-entertain sa madlang pipol, na sumusunod pa din sa health and safety protocols, ay si Unkabogable Vice Ganda!

Patuloy na nagtatanghal si Vice at ang iba pang hosts ng “It’s Showtime” sa gitna ng pandemic at pagkawala ng Kapamilya Network sa ere. Nag-switch din ang show sa non-live airings para patuloy pa din maghatid ng saya sa lahat.

Pinangunahan pa nito ang bago segment sa show na “Reina Ng Tahanan”

Isa din si Vice sa mga nag-abot ng tulong sa mga frontliners at iba’t-ibang mga taong naapektuhan ng pandemya.

@memeviceganda/Instagram

Pero kahit ang Unkabogable na si Vice may struggles din pala!

Natatawang inamin niya ito sa “Gandemic: The VG-tal Concert”! Dahil ayon sa komedyante, kailangan niya din kumita! Pero syempre, bukod sa kumita, gusto talaga nitong pasayahin ang lahat!

“Gusto kong magkaroon tayo ng sandaling makalimutan natin yung stress. Masyado na tayong bagot…” paliwanag nito.

Ang mga dahilan nito sa pagtatanghalan worth it naman dahil ang “Gandemic” concert, soldout sa ktx.ph!

Congratulations, Meme!

For more updates about your favorite Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments