Bukod sa comedic nitong personality, madalas balikan ni Vice Ganda ang kaniyang childhood lalo na at lumaki ito sa Tondo. Kaya kung usapang Pinoy snacks ay siguradong madami itong kwento! Paano kung samahan mo pa ng mukbang at ASMR?

Sa recent Youtube video nito, tumikim si Vice Ganda ng mga sikat na Pinoy snacks na mabibili sa sari-sari store but with a twist, ang mukbang na ito ay kailangan niyang gawin ng tahimik or ASMR style.

Youtube/Vice Ganda

Ilan sa mga tinikman ng komedyante ay chicharon, fish craker, “Mik-Mik,” “Lala,” “Ding Dong,” at marami pang iba.

Ilan sa highlight ng vlog ay ang ‘di pagka-stuck ng “Tootsie Roll” sa ngipin nito at ang pag-ubo ni Vice sa pagsipsip ng “Mik-Mik”.

Youtube/Vice Ganda

Last week lang ay mayroon din ibinahagi ni Vice Ganda na fun at nostalgic shake recipe—ang Mik-Mik shake!

Watch the full video here:

For more updates about Vice Ganda and other Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Facebook Comments