Viral na naman ngayon social media ang recent episode ng noontime show na “It’s Showtime”! Nagka-clash muli kasi ang Viva artist at Unkabogable Star na si Vice Ganda at ang co-host sa show, ang aktres na si Kim Chiu.

May palitan kasi ang dalawa ng opinyon tungkol sa mainit na usapin ng cheating sa show. Nangyari ito muli sa segment ng “Reina Ng Tahanan”.

Ayon kay Chiu, ang pagkawala ng interes sa partner ay isang dahilan kaya mayroong sumasakabilang relasyon.

“Baka mag-che-cheat kung hindi siya masaya. Baka bubukas yung mundo ng cheating kung hindi siya masaya sa partner niya,”

@chinitaprincess/Instagram

Sinagot ito ni Vice na muling pinaalala ang sinabi niya noon sa co-host.

“Again Kim Chui, there’s no acceptable reason for cheating. Masaya ka or hindi ka masaya, walang pass yun to cheat. ‘Di ka ma-absuwelto dun.” banggit ng Unkabogable Star.

Ang “muling pinaalala” na ito ni Vice ay ang unang beses nilang palitan ng mga opinyon tungkol sa parehas na topic.

@memeviceganda/Instagram

Sa huli naman ng agree si Kim sa sinabi ni Vice na “Once a cheat, always a cheater.” Between naman sa dalawa kilalang artista, mukhang all is well naman!

Panoorin ang full palitan na ito ni Vice at Kim below.

For more updates about Vice Ganda and other Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Facebook Comments