Tuloy-tuloy ang pagiging unkabogable prankster ni Vice Ganda sa kaniyang mga recent vlogs ngayon sa YouTube!

Mula sa pagpapa-iyak sa kaniyang kapwa “It’s Showtime” hosts, ngayon naman ay dinala ni Vice ang katatawan sa sariling tahanan! Ang mga biktima? None other than her ‘Valur Angels’ aka ang mga kasamabahay niya!

Accomplice ni Vice sa prank ang partner na si Ion Perez.

“Today mang-ti-trip kaming dalawa. Ipa-prank namin yung mga kasama namin sa bahay.”

“Hindi pa nila na-experience makita tayo mag-away kasi ‘di naman kami nag-aaway masyado. Tyaka wala kaming away na malala,” kwento ni Vice at Ion.

Lumabas ang pagka-best actress ni Vice at best actor ni Ion sa kanilang intense fake argument!

Sa huli, kaagad namang nag-sorry at niyakap ni Vice at Ion ang mga kasambahay na napa-iyak!

Ayon din sa mga ito, never nila nakita ang dalawa na nag-aaway ng ganoon kalala.

Panoorin ang iconic prank na ito!

For more updates about Vice Ganda and other Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Facebook Comments