Napuno ng perfect blend ng OPM classics, international tracks at timeless hits ang most-awaited concert nina Asia’s Popstar Royalty Sarah Geronimo at Asia’s Songbird Regine Velasquez – Alcasid na pinamagatang #UNIFIED.

Hindi na napigilan ang intense na hiyawan ng mga fans no’ng lumabas ang dalawang OPM icons nang magkahawak-kamay para awitin ang kanilang ‘di malilimutang mga hits na Forever’s Not Enough at On The Wing’s Love. Isang matinding throwback ito para sa mga fans kaya hindi na rin napigilan ang pagsabay ng karamihan sa pag-awit.

 

With her golden voice and strong vocal power, napatunayang walang kupas pa rin ang pagiging world-class ng Asia’s Songbird sa kanyang mga performances. With her queenly stance as a performer, hindi maikakaila na she and her songs will stand the test of time.

Meanwhile, muli na namang napatunayan ni Sarah G ang kanyang excellence bilang isang all-out performer. With her heartfelt singing and her dancing prowess, no one can deny that she is one of the best, most genuine artists we could ever ask for.

Instagram/ sarahgeronimoshots

Syempre hindi mabubuo ang gabi nang hindi nagta-Tala ang nag-iisang Tala Queen mismo. Lumagpas na ata sa version 2.0 ang Tala performance na ‘to!

Instagram/ sarahgeronimoshots
Instagram/ sarahgeronimoshots

The two stars also took the concert as an opportunity to raise awareness on love and kindness – na mahalaga ang pagiging #UNIFIED hindi lamang nila, kundi pati na rin ng buong mundo, lalong-lalo na sa panahon ng mga pagsubok.

The concert ended with an energetic Pinoy-style party with Urong Sulong and Sa Iyo – the perfect upbeat classics to accompany this celebration of unity.

Facebook Comments