Ikinatuwa at ikinagulat ng marami at syempre ng Kapamilya actress at host na si Anne Curtis ang isang kakaibang kaganapan noong Sabado, February 16.

Instagram/@robbiepinera

Nagkaroon si Anne ng isang special dance number sa It’s Showtime bilang bahagi ng pag-celebrate niya ng kanyang ika-34 na kaarawan. Sa kanyang production number, kinanta at sinayaw ni Anne ang mga original songs ng ilang paborito niyang international artists, ang K-pop group na Blackpink at si Dua Lipa.

Ngunit isa sa mga highlights ng araw na iyon ay ang ginawang pagbati ng “New Rules” hit maker na si Dua Lipa kay Anne para sa kanyang birthday!

Hindi makapaniwala at gulat na gulat ang Multimedia Sweetheart sa kanyang nakita.

YouTube/ABS-CBN Entertainment

Panoorin ang buong video rito:

Sa kanyang Instagram account, ipinahayag muli ni Anne ang kanyang kilig para sa idol.

“Real Fantasy. I won’t stay quiet! I won’t stay quiet. MWAH! GUARANTEED YOU TOTALLY BLEW MY MIND @dualipa and I am DYING to SEE YOU perform again real soon! I have no words. (Obvs from my reaction) My fan girl heart is sooooooooo happy. Never in my wildest dreams. Thank you @warnermusicph @wbr for this super sweet surprise and to my @itsshowtimeofficial_ig for my beautiful birthday video presentation. Best birthday salubong ever!!!!! AHHHHHHHH I’M SOOOOOOO KILIG!!!!!! ❤️🧡💚💙💜🖤💗”

YouTube/ABS-CBN Entertainment

Bago ito, nagkaroon din ng pagkakataon si Anne na makilala ang isa pa sa kanyang mga hinahangaan, ang Blackpink.

Samantala, abangan ang pinakaunang pelikula ni Anne ngayong 2019, ang Just a Stranger, kasama si Marco Gumabao, sa direksyon naman ni Jason Paul Laxamana.

 

 

RELATED ARTICLES:

  1. Anne Curtis made Erwan Heussaff get a perm and made him look like a Korean actor
  2. Anne Curtis gets appointed as UNICEF’s National Goodwilll Ambassador!
  3. Anne Curtis says she wants her daughter to be like this…

 

Facebook Comments