@JustSarahG/Twitter

Talagang hindi kumukupas ang epekto ng nag-iisang Popstar Royalty Sarah Geronimo kahit na medyo matagal itong nagpahinga sa pag-perform on-stage. 

Paano ba naman kasi, sa kaniyang pagbabalik sa Sunday variety show na ASAP kahapon, July 24, 2022, naghanda ng sweet tribute ang ASAP para sa Popstar Royalty kung saan tampok dito ang mga kantang pinasikat nito tulad ng “Forever’s Not Enough” ganoon din ang ilan pa sa mga viral at hit songs na “Tala”, “Kilometro” at “Isa Pang Araw”. 

Napahanga ng Popstar, hindi lang ang mga Popsters, kundi ang iba pang manunuod dahil sa Michael Jackson’s “Smooth Criminal” meets “Gatsby” ang tema ng kaniyang comeback performance kahapon, July 24, ngunit ang 2018 hit na “Duyan” na fan-favorite at may romantic theme ang kaniyang itinampok sa tinawag nitong “Sarah G Specials”. 

Ngayong araw, July 25, na siyang ika-34th birthday ng nag-iisang Popstar Royalty, tampok sa PH iTunes Top 200 Song Chart ang kaniyang kantang “Duyan” na isang patunay na hindi talaga kumukupas ang kaniyang mga kanta. 

kworb.net/Website

Abangan ang iba pang Sarah G performances every Sunday sa ASAP!

For more updates about your favorite Viva artists, follow Viva Entertainment on Facebook, Twitter, and Instagram.

Check out other stories:

 

Facebook Comments