Ibang Cindy Miranda at Rhen Escaño ang mapapanood ng moviegoers sa upcoming psychological thriller film nilang “ADAN”. Trailer pa lang ng pelikula, kitang-kita na ang matapang na kwento nito na isinulat ni Yam Laranas at dinirek ni Roman Santillan Perez, Jr.

Gaganap si Rhen bilang si “Ellen”, isang dalagang taga barrio na gusto makawala sa mahigpit at malupit niyang ama. Ito ang unang lead role ni Rhen sa pelikula.

Mula sa kanyang comedy role sa pelikulang ” Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo” ng iconic trio na sina Andrew E, Janno Gibbs, at Dennis Padilla, sumabak naman ang beauty queen turned actress na si Cindy Miranda sa mas malalim at mapangahas na kwento ng pag-ibig. Gaganap siya bilang si “Marian”, ang matalik na kaibigan ni “Ellen” na tutulong sa kanya na makawala sa kanyang ama.

Panoorin ang “ADAN” trailer below:

Taong 2001 ay gumawa rin ng mapangahas na pelikula si direk Yam Laranas na “Balahibong Pusa” under Viva Films. Siya rin ang director ng blockbuster hit na “Aurora” (2018) taong na pinagbidahan in Multimedia Superstar na si Anne Curtis.

Inaabangan din ang magiging produkto on screen ng creative duo nina direk Yam at direk Roman Santillan Perez, Jr. Ayon kay direk Roman, marami nang gumawa ng LGBTQ+ at gender fluid themed na pelikula pero naiiba ang matapang na kwento ng “ADAN”.

 

Mas kilalalanin pa ang mga karakter nina Ellen (Rhen) at Marian (Cindy) at ang kwento sa likod ng pelikulang “ADAN”, mula mismo sa cast, writer, at director nito!

Panoorin ang video below:

ADAN Behind-the-scenes [In cinemas November 20]

Paano kaya ginawa ang natatanging kwento nina Marian at Ellen sa ADAN? Check out this behind-the-scenes exclusive of #ADANmovie.Catch the hottest thriller film, #ADANmovie, in cinemas November 20.

Posted by VivaEntertainment.ph on Wednesday, November 13, 2019

 

Mapapanood na ngayong November 20 ang “ADAN” in cinemas nationwide!

Facebook Comments