Isang phenomenal dance craze na ngayon ang 2016 hit ni Sarah Geronimo na ‘Tala’. Habang tumatagal ay lalo talagang nagniningning ang bituin ni Asia’s Popstar Royalty!

Instagram/sarahgeronimoshots

Hindi na mabilang ang mga nag-upload sa social media ng kanilang Tala Dance Challenge! Mula teenagers, pulis, mommies and daddies, volleyball players, at pati narin ang inyong favorite celebrities, bigay todo sa kanilang dance covers!

Instagram/sarahgeronimoshots
Instagram/sarahgeronimoshots

Sa isang interview, masaya at puno ng pasasalamat si Sarah G sa pagyakap ng fans sa kanyang kanta!

“Ang galing eh. I would say hindi siya naging expectation. I was hoping na maging dance craze ito when I recorded [it]… Sabi ko, wow, power of manifestation, nagkatotoo kasi,” ani Sarah.

Binigyang pugay din ni Sarah G ang impersonator na si Bench Hipolito at ang LGBT community sa pagsikat ng ‘Tala’.

Instagram/styledwithbang

“Si Bench [Hipolito] ‘yung nag-i-impersonate sa akin… Tulong din ng LGBTQ community, gumagawa sila ng dance covers,” ani Asia’s Popstar Royalty.

Instagram / _magandangbuhay

Hindi naman nagpahuli sa Tala fever ang The Voice Kids Champion at Team Sarah’s Lyca Gairanod!

View this post on Instagram

#abscbnchristmasspecial2019

A post shared by ʟʏᴄᴀ (@lycagairanod.1) on

 

More than 700 thousand views na ang Tala dance cover ni Lyca on Youtube! Watch it below:

Facebook Comments