Patapos palang ang 2021 aribang-ariba na agad ang entertainment giant, Viva Entertainment Inc., sa mga watchable content!

Matatandaan na nakasama ng mga Pinoy ang Vivamax, ang sariling streaming platform ng Viva, lalo na sa height ng pandemya sa bansa. 

Kaya bago matapos ang 2021, heto ang mga kaabang-abang na pelikula na “to the max” talaga sa Vivamax!

More Than Blue (2021)
Starring: JC Santos, Ariella Arida, Diego Loyzaga, and Yassi Pressman
Directed by: Nuel Naval

Vivamax/website

Filipino adaptation ng 2009 South Korean hit film anh “More Than Blue” nina JC at Yassi. Sa pelikula, bestfriends ang dalawa na all this time ay may pagmamahalan pala sa isa’t-isa. 

Tahanan na talaga ng mga sikat na mga KDrama ang Vivamax.

Mang Jose (2021)
Starring: Jerald Napoles, Gab Lagman, Bing Loyzaga, Manilyn Reynes, Mikoy Morales, and Janno Gibbs
Directed by: Rayn Brizuela

Vivamax/website

Ang isa sa pinakasikat na kanta ng OPM band Parokya Ni Edgar pelikula na! Abangan ang pinakabagong superhero na magliligtas sa lahat—pero maniningil pag tapos na!

Mahjong Nights (2021)
Starring: Sean De Guzman, Jamilla Obispo, Liz Alindogan, Arnell Ignacio, Mickey Ferriols, Jay Manalo, and Angeli Khang
Directed by: Lawrence Fajardo

Vivamax/website

Ang VMX Crush na si Angeli Khang ay bibida sa kaniyang first starring role. Ang simpleng mahjong night kasi mapupuno ng mainit na sugapaan ng katawan at emosyon. 

My Husband My Lover (2021)
Starring: Adrian Alandy, Marco Gumabao, Cindy Mirand, and Kylie Verzosa
Directed by: Mac Alejandre

Vivamax/website

Written by Ricky Lee, muling magtatambal sina Kylie Verzosa at Marco Gumabao sa isang mainit at ma-dramang pelikula tungkol sa relasyong mag-asawa at pangangaliwa. 

Pornstar 2 (2021)
Starring: Stephanie Raz, Ayanna Misola, Cara Gonzales, Sab Aggabao, Alma Moreno, Ara Mina, Maui Taylor, and Rosanna Roces
Directed by: Darryl Yap

Vivamax/website

Pagkatapos ng huge success ng first installment ng PKGKMP nagbabalik ang apat na haligi ng bomba sa bansa! In search muli ng mga magagandang dilag na susunod sa kanilang mga yapak! 

Bukod sa mga pelikulang ito, parating na din sa Vivamax ang rpmantic drama “Dulo starring Diego Loyzaga and Barbie Imperial; sexy drama “Palitan” starring Jela Cuenca and Cara Gonzales; sexy comedy “Ang Crush Kong Curly” starring Aj Raval and Wilbert Ross, at maraming-marami pang iba.

Sagad-sagadan na! Dahil ‘di magiging problema sa bulsa ang Vivamax. For only P149/monthly may access kana sa series, movies, at original content ng Vivamax. Ano pang hinihintay mo? Visit web.vivamax.net at mag-subscribe na! 

For more updates about your favorite Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments