Sinisigurado ng judges ng malapit na magsimula na ‘Born To Be A Star’ na isang ‘star’ ang mapipiling winner ng reality singing contest.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by TV5 (@tv5manila)

Sa katatapos lang na Digital Media Conference na ginanap ngayong araw, January 12, confident ang hosts na sina Matteo Guidicelli at Kim Molina pati na sina star agents Georgecelle Dapat-Sy, Andrew E, Janine Teñoso, Katrina Velarde at Sam Concepcion na mahuhulma nila ang mga contestants aka ‘applicants’ na sasali sa palabas.

“You know what’s really interesting about our show? Is that our star agents can judge the artist by their appearance when they step out. They can press that star and if they don’t do well they can unpress that star,” paliwanag ni Matteo.

Kasama ang mechanics na ito sa show kung saan sa loob ng 2-minute na performance per applicant ay kailangan nila mapanatili ang ‘star’ ng mga star agents. Kapag naka-tatlong star ang applicants ay pasok na ito sa next round, at kung dalawa naman ay mag-say goodbye na ‘ito sa show.

Magsisimula na ang ‘Born To Be A Star’ tuwing Sabado, simula ngayong January 30, 2021 7pm sa TV5!

For more updates about your favorite Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments