Si Mega fan pala!

May be an image of 1 person
Jerald Napoles/Facebook

Para sa isang artista, unbeliveable at tunay na humbling feeling marining na may epekto sa iba ang kanilang proyekto. Lalo na kung resulta ay pagkakaroon ng tagahanga.

Kaya para talaga sa mga artist, ang fans ang kanilang source of strength din!

Eh ano pa kung ang mismong Megastar na ang fangirl?! Ibang level na ‘yun!

Kasi ang nagiisang Sharon Cuneta, idolo ang Viva artist na si Jerald Napoles pala!

May be a closeup of 1 person
Jerald Napoles/Facebook

Nabanggit ito ni Mega sa recent virtual press conference para sa “Revirginized” kasama si Marco Gumabao at Direk Darryl Yap.

Isiningit nito ang tungkol sa “Ikaw At Ako At Ang Ending” star sa umaapaw na papuri niya kay Direk Darryl.

@sharonian_robeanne/Instagram

“Tyaka fan ako ni Jerald Napoles since teatro pa yan. Alam ni Jerald yan. Diba direk humihingi ako ng project kasali si Jerald? I really mean that from my heart.” sincere na sabi ni Sharon.

May be an image of 1 person, sitting and wrist watch
Jerald Napoles/Facebook

Tumatak din para sa 55-year old star ang nangyari sa “Ang Babaeng Walang Pakiramdam”!

“I love his movies! Napanood ko na yung ‘Ang Babaeng Walang Pakiramdam’ ang galeng-galeng. Papanoorin ko pa yung iba. Tatapusin ko yung buong filmography ni Direk!” promise ng Megastar.

“Sa ‘Ang Babaeng Walang Pakiramdam’ kung titignan mo, simple, but if you’re smart enough and you look deeper you will see how his brain works in the end. Because in the end, it hits you somewhere sa emosyon mo. It goes deep inside some part of your heart…” explain niya.

@kimmolina/Instagram

Balik kay Direk Darryl, wishing na agad si Mega na hindi ito ang huling pagkakataon na magkakasama sila!

“I enjoy working with Direk, I enjoyed it very much. Sabi ko nga sa kaniya, I’d like to work with you a million times more…” dagdag pa nito.

Ang inaabangang comeback film ni Megastar Sharon Cuneta “Revirginized” ngayong August 6, 2021 na! A week after, August 13, “Ikaw At Ako At Ang Ending” naman ng KimJe!

‘Yan at marami pang iba mapapanood sa Vivamax! P149 lang!

For more updates about your favorite Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments