Isang inspiring na message ang ibinahagi ni Asia’s Popstar Royalty, Sarah Geronimo, sa kanyang mga followers sa social media about confidence at tip ng sought-after singer sa mga nagbabalak tahakin ang entertainment industry? Practice, post, post, and post!

Para sa isang endorsement ng kilalang toothpaste brand, ibinihagi ni Sarah G ang kanyang pinagdaanan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sarah Geronimo (@justsarahgph)

“Dati, sali lang ako nang sali sa mga contests. Ang daming magagaling! But I stayed focused, tuloy-tuloy lang ang practice. ‘Di ako sumuko. At nung nakuha ko na ang first taste of success ko, my big break, I learned something about myself—kaya ko pala!” kwento ni Sarah G.

At ngayong nandito despite sa mga pagsubok na kanyang hinarap, alam niya na nararapat siya sa tagumpay na ito.

“”Ngayon iba na ang extra confidence na meron ako. Kahit sa dinami-dami ng challenges alam ko na this is where I belong,”

Sa kanyang Instagram post, nag-bahagi pa ng ilang tips ang singer!

Payo nito ngayon madami nang pwedeng gawin para maabot ang pangarap, tandaan lang magkaroon ng tiwala sa sarili at wag susuko.

“Just smile and go for it! Upload your work, i-share sa inyong friends, post, post, post! Kunin natin lahat ng opportunity ngayon, kahit from home! ❤”

Wise words talaga pagka galing kay Sarah G!

For more updates about Sarah Geronimo and other Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories about Sarah G

Facebook Comments