“Ito na naman tayo” sabi nga ng isang kanta ni Sarah G!

Isang nakaka-proud moment na naman ang aabangan ng mga Pinoy at Popsters alike. Dahil ang Popstar Royalty Sarah Geronimo muli na naman irerepresenta ang bansa sa isang international event!

Ang Popstar kasi ang latest ambassadress ng Acer Philippines, isa sa mga kilala at malalaking electronic hardware company ‘di lang sa bansa kundi sa mundo!

@gelalaurel

Ayon sa mga reports, makakaharap ng singer ang kasing bigat niya na artista galing sa mga kapitbahay nating bansa sa Southeast Asia. Tulad ni Prince ng Indonesia, Aina Abdul ng Malaysia, GBoySWAG ng Taiwan, Earth Patravee ng Thailand, at VP Bá Vương ng Vietnam.

Para naman sa Acer Philippines, isang malaking karangalan ang makuha ang Popstar Royalty para sa bansa. Lalo na at kasama na ito sa pillar music industry!

@gelalaurel/Instagram

“Sarah Geronimo is one of the biggest names in the music industry, in fact, she’s already a pillar. That’s why there was no doubt that we would choose her to perform this year for Acer Day.” sabi ni Acer Philippines Managing Director Manuel Wong

Dagdag nito kaabang-abang ang talentong ipapakita ng Popstar Royalty!

“Her talent is really something to look forward to and we cannot wait for everyone to witness what she brought to the table for this year’s festivities,”

Abangan si Sarah Geronimo sa “#AcerDay2021” na ipapalabas ngayong August 3, 2021 sa lahat ng social media platforms ng Acer worldwide!

Linisin na ang schedule Popsters! Abangan natin si Sarah G soon na yan!

For more updates about Sarah Geronimo and your favorite Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments