Malaki ang pasasalamat ni Asia’s Popstar Royalty Sarah Geronimo kay Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid, na itinuturing niyang mentor at kaibigan sa industriya.

Instagram / sarahgeronimoshots

Sa naunang interviews kay Sarah G, totoo ang pagmamalasakit at suporta ni Regine sa kanyang career at personal na buhay. “Even sa pagiging Sarah ko po, sa personal ko pong buhay, si Ms. Reg, one text away lang,” nakangiti pag-kwento ni Sarah.

Instagram / sarahgeronimoshots

Kahit kitang-kita naman ang pagiging malapit nila ng Asia’s Songbird, inamin ni Sarah na nahihiya at nasastar-struck parin siya sa singer! “Ako pa talaga yung mahihiya na, ‘Oh my gosh! Magti-text ba ako, tatawag ba ako?”, pagbabahagi ni Sarah G.

Instagram / sarahgeronimoshots

Malaki rin ang pasasalamat ni Sarah dahil makakasama niya si Regine sa upcoming movie niyang “Unforgettable”. Ayon kay Sarah, ito ang pangalawang pagkakataon na magkakatrabaho sila sa pelikula.

Instagram / sarahgeronimoshots

“Yung first, Captain Barbell [2003], supporting role lang po ako dun. Ta’s may eksena kami ni Ms. Reg na hindi ko rin malilimutan. Ngayon, gumawa ako ng isa pang movie, as always si Ms. Regine napaka-supportive niya po.” anya ni Sarah,

Instagram / sarahgeronimoshots

Sa kanyang guesting sa “Magandang Buhay” nitong Lunes October 21, sinurprise si Sarah G ng isang video message mula kay Asia’s Songbird Regine Velasquez.

Instagram / sarahgeronimoshots

Ayon kay Sarah, malaki ang impluwensiya ni Regine sa kanyang musika at swerte anya ang industriya na mayroon itong isang Regine Velasquez.

Instagram / sarahgeronimoshots

Para sa full interview ni Sarah G, panoorin ang video below:

 

Meanwhile, abangan si Sarah Geronimo sa kanyang upcoming film na “Unforgettable”, directed by Perci Intalan at Jun Robles Lana. Showing on October 23 in cinemas nationwide!

Watch the full trailer of “Unforgettable” down below:

Facebook Comments