Naging matagumpay at puno ng kasiyahan ang #UnforgettableMovieTour Dog Fashion Show na ginanap sa Ayala Malls Manila Bay kahapon, October 13. Bukod sa maraming dumalo ay marami rin ang sumali para itampok ang kani-kanilang mga furbabies. Narito ang ilan lamang sa mga kuha ng mga naggagandahang mga dogs na talaga namang showstopper:

Bawat pag-rampa sa stage ay may kaakibat na kakaibang experience dahil angat na angat ang mga personalidad ng bawat aso, pati na rin ang kani-kanilang mga may-ari. Mayroong nagbihis na pang-Halloween, mayroon din namang nakaayon sa kanilang personality at breed. Makikita rin dito ang pagiging malikhain ng mga dog moms and dads pagdating sa pananamit. Talagang nakakamangha ang elaborate designs ng mga gowns na tunay na pageant-style.

Bukod sa fashion show, nag-enjoy din sa mga games at papremyo ang mga dog owners

 

At hindi pa diyan natatapos ang kasiyahan. Nagbigay din ng mga nakakabilib na mga performance sina Janine Teñoso, Ronnie Liang, Caleb Santos at Kim Molina na nagpahayag ng kani-kanilang pagsuporta sa pelikula. Nagtanghal din sa show ang bandang PusaKalye. 

 

Syempre hindi papahuli ang celebrity dog na si Milo. Litaw na litaw ang husay at talino nito habang sumusunod sa kanyang trainer na si Tristan Huertas. Para bang nangungusap ang mga mata niya habang pinapasaya ang mga fans.

At para sa grand finale, kinanta ni Sarah G ang dalawang awitin mula sa pelikula: “Ang Tangi kong Pangarap” (original song by Rico Blanco) at “Saglit Na Lang” na isinulat nina Thyro at Yumi. Swerte ang mga fans dahil unang beses itong kinanta ng Popstar Royalty live.

Instagram/ sarahgeronimoshots

Unforgettable will be showing on October 23 in cinemas nationwide.

Facebook Comments