Mula Luzon, Visayas, at Mindanao, hindi na mabilang ang mga dance covers na ginawa ng fans sa ‘Tala’ ni Asia’s Popstar Royalty Sarah Geronimo!

Instagram/styledwithbang

Ang ‘Tala’ ay ni-release noong 2016 as part of her Awit Award winning album ‘The Great Unknown’.

Kahit halos apat na taon na ang lumipas mula nang i-release ito, patuloy na pumapatok sa lahat ang ‘Tala’. Ngayon, isa na itong certified dance craze!

Instagram/styledwithbang
Instagram/sarahgeronimoshots
Instagram/styledwithbang

Noong January 5, ginanap ang Grand Tala Day sa in celebration of ASAP’s 25th anniversary!

Instagram/ styledwithbang

Pinangunahan ni Asia’s Popstar Royalty Sarah G together with the G-Force ang nationwide dance mob! Kasama ang mga nag-viral na fans sa kanilang ‘Tala’ dance cover, Kapamilya stars, at TALA Nation from sa iba’t-ibang sulok ng bansa, nagningning ang lahat sa sabay-sabay na pag hataw!

 

Instagram/sarahgeronimoshots

Instagram/sarahgeronimoshots

Sa isang panayam kay Sarah G, sinabi niyang pinangarap niya talagang mapasayaw ang lahat sa kanyang hit na ‘Tala’.

Instagram/sarahgeronimoshots

 

Instagram/sarahgeronimoshots

 

“Alam niyo po, in-envision ko na magiging dance craze ‘tong kantang ‘to. Gusto ko itong vibe ng song na ‘to, maging dance craze, everybody is dancing to this song — at, wow, power of claiming it, nagkatotoo!”  Sarah shared.

Instagram/ styledwithbang

Malaki rin ang pasasalamat ni Sarah G sa impersonator niyang si Bench Hipolito at sa LGBTQ+ community sa pagyakap nila sa ‘Tala’.

Instagram / _magandangbuhay

“Of course, maraming salamat sa LGBT (lesbian, gay, bisexual, transgender) community kasi sila talaga ‘yung yumakap dito sa awiting ito na ‘Tala,’” she said.

 

Instagram/sarahgeronimoshots
Instagram/sarahgeronimoshots

Ibang klase talaga ang phenomenal success at pagmamahal na natatamasa ngayong ni Sarah Geronimo!

Instagram/sarahgeronimoshots

Sa mga hindi pa nakaka-memorize ng ‘Tala’ moves at hindi pa gumagawa ng sariling dance covers, we got you!

Instagram/sarahgeronimoshots

Panoorin ang ‘Tala’ compilation video na ito at mag Tala Dance Challenge na!

Facebook Comments