Dahil na din sa kaniyang iconic performances, vocal prowress, at unforgettable looks isa si Popstar Royalty Sarah G sa mga madalas gayahin sa social media man o TV.

Isa na dito ang ang ABS-CBN show na “Your Face Sounds Familiar” kung saan not once, not twice, but three times ginawa ang ilan sa iconic performances ni Sarah G.

2017

Sa Your Face Sound Familiar Kids Finale, confident na kinanta at sinayaw ni AC Bonifacio ang “Kilometro” ni Sarah G.

2018

Isang taon lang nakalipas, sa kids edition muli ng show, ay muling umarangkada si Sarah G! Ginaya ni Sheena Belarmino ang iconic look, dance, at voice ng singer sa kantang “Tala”.

2021

At ngayong taon, pinasa kay Vivoree Esclito ang Sarah G tradition na ‘to. Sa kaniyang performance ng “Tala”. Gaya ni Vivoree ang suot ni Sarah G sa “Grand Tala Day”.

For more updates about Sarah Geronimo and other Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories about Sarah G

Facebook Comments