Sinakop na naman ng Popstar Royalty ang Twitterverse!

Sa araw kasi ng kaniyang pagbabalik sa variety show na ASAP, trending agad nationwide ang #ASAPSG, ‘SARAH G IS BACK’ at ‘POPSTAR ROYALTY’ obvious ang pananabik ng Popsters sa pagbabalik ng idol on stage.

Bago mag-umpisa ang show at sa pagpasok ng pre-recorded performance ng Popstar umariba ang hashtags sa 1st, 2nd, and 3rd places sa ‘Philippine Trends’ sa Twitter. Hanggang ngayon, ilang oras pagkatapos ng special number ni SG ay trending pa din ang same hashtags!

Ang fan-favorite song na “Duyan” ang bumida sa performance na may temang gatsby at impluwensya ng ‘King of Pop’ Michael Jackson na idolo si Sarah G.

Ilan din sa mga pinagkakatiwalaan ng Popstar ang mga pangalan sa likod ng performance. Tulad ng G-Force at Teacher Georcelle Dapat-Sy para sa choreography, Thyro Alfaro para sa musika, Teacher Georcelle bilang creative director, sa direksyon ni Paolo Valenciano at ang concept na si Sarah G mismo ang may pakulo!

Ang comeback performance ay treat na din ng star sa Popsters para sa kaniyang 34th birthday sa July 25. 

Abangan ang iba pang Sarah G performances every Sunday sa ASAP!

For more updates about your favorite Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments