Definitely, one for the books ang comeback ni Popstar Royalty Sarah Geronimo sa variety show na ASAP.

Michael Jackson’s ‘Smooth Criminal’ meets ‘Gatsby’ ang tema ng performance at bagong atake ang dala nito dahil ang romantic at fan-favorite song na “Duyan” ang ginamit ng Popstar. 

Glittery matching suit, pants, and hat ang suot ng Popstar na kinumpleto ng white dancing shoes, obvious nod sa ‘King of Pop’ na inspirasyon niya.

Hindi natapos dito ang sorpresa dahil sinubukan din ng Popstar ang tap dancing! Pretty in light blue ang Popstar sa kaniyang pag-tap dance.

At ang ‘di nakita ng lahat, ang sexy black gatsby outfit ni Sarah na highlighted lalo ng kaniyang slick short hair. May halong gulat at tuwa ang Popsters sa social media sa OOTD na ito ng star. Ito kasi ang rare occasion na mag-tap ang Popstar sa kaniyang sexier side.

Kasama din sa performance ang sweet tribute ng ASAP sa Popstar Royalty. Pinarinig ni Asia’s Songbird Regine Velasquez and rendition niya ng “Forever’s Not Enough” ganoon din ang “New Gen Divas” sa pagkanta nila ng viral at hit songs tulad ng star tulad “Tala,” “Kilometro” at “Isa Pang Araw”.

Sa kaniyang short thank you message pinasalamatan ni Sarah G ang mga tao sa likod ng kaniyang comeback performance at sa kaniyang Popsters na matiyagang naghintay sa kaniyang pagbabalik. 

Ang performance ay nagsilbing birthday performance ng Popstar.

Welcome back, SG!

For more updates about your favorite Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments