Mapapakinggan mo na ang pinaka-hihintay na collaboration nina Pop Balladeer Ronnie Liang at Asia’s Popstar Royalty Sarah Geronimo!

Instagram / ronnieliang

Available na ito in all digital music stores! Pakinggan ang kanilang duet collaboration na “Liwanag” down below:

Matagal nang pangarap ni Ronnie na magkaroon ng collaboration kay Sarah G. Kaya naman ngayon na naisakatuparan na ang hiling na ito, puno ng pasasalamat si Ronnie kay Sarah.

Instagram / ronnieliang

Special guest rin ni Ronnie si Sarah G sa kanyang Love x Roman concert ngayong gabi na gaganapin sa Music Museum! Tiyak na ikatutuwa ng fans ang chance na marinig live ang dream duet na ito!

Instagram / ronnieliang

Tungkol sa pagibig ang “Liwanag” na composed and arranged by Marlon Barnuevo, mixed and mastered by Jan Levi Sanches ng Studio Z, recored by Joel Mendoza, published by Viva Music Publishing, Inc, at produced by Ronnie Liang himself!

Facebook Comments