Ngayong darating na Valentine’s day, mapupuno ng love for music ang Smart Araneta Coliseum sa pagsasanib pwersa ng dalawang OPM queens!

 

 

 

Excited na ang lahat sa unang major concert nina Asia’s Popstar Royalty Sarah Geronimo and Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid in “UNIFIED”, this February 14 and 15 2020!

 

 

Espesyal ang bond nina Sarah G at Regine dahil nagsisimula palang si Asia’s Popstar Royalty, inspirasyon na niya ang Asia’s Songbird!

 

Instagram/.sarahgeronimoshots

 

Host ng singing competition noon na “Star For A Night” si Regine, kung saan nanalo si Sarah taong 2003.

 

Instagram / megamagazine

 

Tulad ni Sarah G, kontesera rin si Regine. Nasungkit niya ang panalo sa singing competition na “Ang Bagong Kampeon” taong 1984!

 

Instagram / megamagazine

 

Ngayon, silang dalawa ay itinuturing na reyna pagdating sa kantahan!

 

Instagram/.sarahgeronimoshots

 

Punung-puno ng pasasalamat si Sarah G sa gabay at suporta na ibinibigay ni Regine Velasquez-Alcasid sa kanyang 16 years sa entertainment industry.

 

Instagran/kiel.hair

 

Sobra po akong maswerte na mayroon akong Ms. Regine Velasquez na, kumbaga isa rin po sa mentors ko. Si Miss Reg since day one, grabe yung suporta na binigay niya po sakin. Sa album, pupuntahan niya ko. Kasi may ginawang kanta si Kuya Ogie, pupunta siya sa recording ko. Uupuan niya yon, siya magbabantay. Tapos lalagayan niya pa ng backup vocals. Grabe po, napaka generous na tao.” pagbabahagi ni Sarah G sa kanyang Magandang Buhay guesting.

 

 

Instagram/.sarahgeronimoshots

 

Milyon-milyon ang fans na na-iinspire nina Sarah G at Regine!

 

Instagram/.sarahgeronimoshots

 

Sa pamamagitan ng show na Rated K, sinurpresa nina Sarah Geronimo at Regine Velasquez-Alcasid ang dalawa sa kanilang avid supporters!

Panoorin ang surprise na ito in the video below!

 

Facebook Comments