With the phenomenal success of Tala, her 17th year in showbiz, and her recent wedding with Matteo, ‘di maikakaila na 2020 is Sarah G’s year.  Kaya naman maraming naki-celebrate with Sarah Geronimo – Guidicelli as her ASAP family and her fans extend their warm congratulations to the Popstar Royalty.

 

Instagram/ sarahgeronimoshots

 

Naging puno ng kasiyahan at excitement ang ginawang pagpupugay ng mga malalapit na kaibigan ni SGG sa bagong kasal. Hawak-hawak pa ang mga letra sa “SGG,” taos-pusong pinahayag ng mag-asawang sina Regine Velasquez – Alcasid at Ogie Alcasid kung gaano sila kasaya para kay Sarah. Pabirong nabanggit pa nga ni Ogie na reregaluhan niya ang bagong kasal ng washing machine.

 

 

Tila nangibabaw din ang kilig sa mga fans nang banggitin ni Zsa Zsa Padilla ang mga katagang, “Mrs. Sarah Guidicelli.”

Meanwhile, humingi naman ng isang request si Luis Manzano:

“Isang lambing lang ang hihingiin namin sa’yo. Kung saka-sakali man na dumating na ang tamang oras na kayo ni Matt ay magkakapanganay na, ang hinihingi namin na sana ipangalan mo sa magiging bata ay Piolo Luis Ogie Reg Martin Zsa Erik Geronimo Guidicelli,” aniya.

 

 

Nagbigay naman ng napaka-sincere at heartfelt na message ang isa sa mga pinakamatalik na kaibigan ni Sarah na si Erik Santos:

“Kaming mga kaibigan niya sa Champions, sobra kaming masaya para sa’yo Sarah. Sobrang saya ng puso namin dahil alam namin ‘yung mga pinagdaanan ni Sarah. Ngayon na sobrang happy mo na, happy kami para inyo ni Matt,” aniya.

 

 

Sa huli, nagpasalamat si Sarah sa lahat ng sumuporta sa kanilang journey ni Matteo:

“Abot-abot lang po ang pagpapasalamat sa lahat po ng sumusuporta, for your best wishes. Maraming salamat po.”

 

Later on, Sarah further extended her thanks via social media.

View this post on Instagram

Thank you, ASAP family and Popsters 😊

A post shared by Sarah Geronimo (@justsarahgph) on

 

Sarah Geronimo – Guidicelli and Matteo Guidicelli officially tied the knot last February 20, 2020, at a Christian Wedding held in Victory Church at The Fort, Taguig City.

 

Instagram/ matteog
Instagram/ matteog
Instagram/ matteog

 

Balikan natin ang memorable at heartwarming na moment na ‘to rito:

 

 

Facebook Comments