Aminado ang aktres na si Ryza Cenon na mahirap ang buhay ngayon, ngayong hindi pa siya makabalik sa showbiz, gumawa ang aktres ng paraan for extra income—dahil diyan ang kanyang online food business sa Instagram, ang Midnight Café, inspired sa kanyang 3-month old baby na si Night.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon)

Inanunsyo ni Ryza ang business sa Instagram kasama na din ang dahilan kung bakit niya ito sinimulan in the first place.

“Pumapsok sa isip ko na need ko na mag work. Pero syempre mahirap para sakin dahil hindi ko kayang iwan muna si Night hindi rin safe sa kanya na dalhin ko sya. So nag-iisip ako kung ano pa dapat gawin para may pandagdag sa income ko,” sulat ng aktres.

Ayon kay Ryza habang tinitignan niya ang anak ng biglang tumunog ang kanyang sikmura, ngunit hindi niya ito pinansin kundi ang ideya na naisip niya

“Pumasok sakin midnight snack 😅 kaya sabi ko sa sarili ko hmmmm…. marunong naman ako mag bake saka luto bakit di kaya ako magbenta? Naging inspirasyon ko si Night,” dagdag pa nito.

Iba-ibang cookies na perfect for midnight snack ang offer ng Midnight Café. Mayroon silang chocolate chip cookies, red velvet, matcha flavors at iba pa!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Midnight Café (@midnightcafeph)

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Midnight Café (@midnightcafeph)

Full support naman ang partner ni Ryza, ang cinematographer na si Miguel Cruz sa food business nito.

Suportahan si Ryza at Baby Night, order na!

For more updates about Ryza Cenon and other artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories about Ryza:

Facebook Comments